Catriona Gray pinasalamatan ang lahat ng sumuporta sa kaniya

By Dona Dominguez-Cargullo December 18, 2018 - 06:38 AM

Nagpasalamat si Catriona Gray sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kaniya para makamit ang Miss Universe title.

Sa kaniyang post sa Instagram, ikinuwento ni Catriona na noong 13 years old pa lamang siya ay napanaginipan ng kaniyang ina na nanalo siya sa Miss Universe at nakasuot siya ng pulang gown.

Ayon kay Catriona, karangalan para sa kaniya na katawanin ang Pilipinas.

At bagaman suot na niya ang Miss Universe sash ay mananatili siyang “Miss Philippines”.

Sa unang pagharap ni Catriona sa media bilang Miss Universe binanggit nitong kabilang ang HIV AIDS awareness sa mga nais niyang isulong.

TAGS: Catriona Gray, miss universe, Radyo Inquirer, Catriona Gray, miss universe, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.