Tatanggapin ni Pangulong Noynoy Aqino ang resignation ni Vice President Jejomar Binay bilang miyembro ng gabinete ng administrasyon.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, nakausap ni PNoy si Binay at kinumpirma ng Bise Presidente kay Pangulong Aquino ang kaniyang pagbibitiw bilang Housing at OFW Czar.
Sinabi ni Coloma na si Executive Sec. Paquito Ochoa rin ang pormal na magpo-proseso at mag-aanunsyo ng pagtanggap sa resignation ni Binay.
Kahapon isinumite ni Congw. Abigal Binay ang resignation ng kaniyang ama bilang pinuno ng Housing and Urban Development and Coordinating Council (HUDCC) at Presidential Adviser on OFW Affairs ng Aquino Administration.
Ayon kay Congw. Binay, suko na ang kaniyang ama sa patuloy na pambabato ng kontrobersiya sa kanilang pamilya.
Sinabi ni Binay na ginagawa kasing “punching bag” ng mga ka-alyado ni PNoy ang kaniyang ama.
Si Congw. Binay ang nagdala ng resignation ng kaniyang ama sa opisina ni Ochoa kahapon. Kasama ni Binay na nagpunta sa Malakanyang si Undersecretary Benjamin Martinez, chief of staff ng Bise Presidente. / Dona Dominguez – Cargullo