Mga Maranaw humingi ng tulong kay Pangulong Duterte para sa pamamaslang sa isang Imam sa Baguio City

By Justinne Punsalang December 18, 2018 - 12:41 AM

PNA

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga Maranaw sa Matampay, Marawi City kamakailan.

Ito ay upang iprotesta ang pamamaslang kay Imam Sheik Abdullah sa Baguio City dalawang linggo na ang nakararaan.

Hiniling ng nasa 5,000 mga Maranaw ang tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Abdullah.

Ayon sa isang Moro leader na si Agakhan Sharief, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na kongkretong update tungkol sa imbestigasyon sa naturang kaso.

Aniya, hanggang sa kasalukuyan ay hindi ma rin malinaw kung ano ang motibo sa pamamaslang. At bagaman namukhaan na ang gunman ay hindi pa naman ito natutukoy ng mga otoridad.

Hiling aniya ng mga Moro na gumawa ng paraan ng presidente upang agad na maresolba ang kaso.

Samantala, nakalikom na ang Muslim community ng P1 milyon na pabuya para sa ikadarakip ng suspek sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.