Lady guard arestado sa Makati City dahil sa kasong pagnanakaw
Makalipas ang matagal na panahong pagtatago ay naaresto na ng mga otoridad ang isang babaeng suspek sa pagnanakaw sa Parañaque City.
Nakilala ang salarin na si Cherry Galupo, 30 taong gulang na kasalukuyang residente ng Bacoor, Cavite at isa ngayong lady guard.
Naaresto si Galupo sa Barangay Poblacion, Makati City sa bisa ng isang warrang of arrest mula sa Parañaque Regional Trial Court (RTC) dahil sa kasong robbery.
Mayroong P72,000 na inirekomendang piyansa para kay Galupo upang makamit nito ang pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon ay hawak na ng Parañaque City Police ang suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.