Pangulong Duterte, masaya sa performance ng kanyang gabinete

Kuntento pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa trabaho ng kanyang gabinete.

Ito ay kahit na nababalot ng kontrobersiya ang kanyang mga miyembro ng gabinete gaya ni Budget Secretary Benjamin Diokno na pinagbibitiw ng mga kongresista dahil sa kwestyunableng nakasingit na pondo sa 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, 100 percent pa rin ang suporta ng pangulo kay Diokno.

Kumpiyansa pa rin aniya ang Palasyo na maipapasa pa rin ang pambansang pondo.

Ayon kay Andanar, marami sa mga miyembro ng gabinete ng pangulo ang hindi mga pulitiko.

Patuloy din aniya ang paalala ng pangulo sa kanyang gabinete na iwasang masangkot sa korupsyon at ipagpatuloy ang maayos na pagtatrabaho sa gobyerno.

Read more...