Mga kumpanya ng langis may panibagong rollback sa Martes

By Den Macaranas December 17, 2018 - 03:19 PM

AFP PHOTO/Jay DIRECTO

Sumunod na rin ang iba pang kumpanyang ng langis sa nakatakdang price rollback bukas ng umaga.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Chevron Philippines (Caltex), PTT, Jetti, Eastern Petroleum at Clean Fuel na mayroon silang tapyas preso bukas sa halaga ng bawat litro ng gasolina, diesel at gaas o kerosene.

Sa gasolina ay umaabot sa P0.10 bawat litro ang bawas, sa diesel ay P0.25 samantalang P0.25 rin sa gaas.

Ang panibagong rollback ay dulot pa rin ng pagbaba sa presyo ng petroleum products sa world market.

Noong nakalipas na weekend ay nagbababa na rin ng presyo sa kanilang produktong petrolyo ang Seaoil, Phoenix Petroleum at Pilipinas Shell.

Nauna nang sinabi ng ilang insider sa oil industry na posibleng pang masundan ng price rollback sa mga susunod na linggo.

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, kerosene, rollback, BUsiness, diesel, gasoline, kerosene, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.