Dinagsa ng mga katutubong Badjao at Aeta ang Camp Karingal sa Quezon City.
Ito ay para dumalo sa District Director’s Gift Giving and Feeding Program.
Target ng proyekto na matulungan ang mga Indigenous People at ang mga mahihirap na residente ng lungsod.
Ang nasabing proyekto ay pinangunahan ni QCPD Dir. Chief Supt. Joselito Esquivel, habang dinaluhan din ito ng mga kandidata ng Miss Philippines.
Ayon kay Adronico Metran, hepe ng social and welfare office ng QC, aabot sa 115 mga katutubong Aeta ang nasagip sa lansangan ng QC, habang aabot naman sa 84 ang mga katutubong Badjao, habang sinagip na rin ang iba pang mga pamilya na natutulog sa lansangan at namamalimos.
Ang mga nasagip na mga pamilya ay dadalhin sa Jose Fabella Center sa Mandaluyong pagkatapos ng proyekto ng QCPD habang ang iba ay ihahatid mismo pabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.
Dumagsa kasi ang mga katutubo sa lansangan ng Metro Manila para mamalimos ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.