Misis ng CAFGU pinatay ng NPA sa Talaingod, Davao del Norte

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2018 - 12:25 PM

Patay ang babae na asawa ng isang Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa Baragay Palpma, Gil, Talaingod, Davao del Norte.

Ayon kay Chief Insp. Jason Baria ng Police Regional Office 11, ang biktima ay nakilalang si Gina Mantayona, asawa ni Mario Mantayona na isang aktibong Cafgu member sa Talaingod.

Sinabi ni Baria na dalawang miyembro ng NPA ang nagtungo sa bahay ng mga Mantayona at saka nagpaputok ng dalawang beses.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Rommel Tausan.

Nagtamo ng tama ng baka sakaniyang tyan ang 23 anyos na biktima na ikinasawi nito.

Naka-duty umano ang Cafgu member na asawa ni Gina nang maganap ang insidente.

Nagpapatuloy na ang follow-up operation sa naganap na pamamaril.

TAGS: cafgu, Davao Del Norte, NPA, Radyo Inquirer, Talaingod, cafgu, Davao Del Norte, NPA, Radyo Inquirer, Talaingod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.