LOOK: Evening gown na inirampa ni Catriona Gray, sumisimbolo sa Bulkang Mayon

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2018 - 11:26 AM

FB Photo: Mak Tumang

“Fiery and Lovely Perfection” gaya ng Bulkang Mayon.

Ito ang sinisimbolo ng inirampang evening gown ni Catriona Gray.

Ang gown ay likha ni Mak Tumang.

Sa FB Post ni Tumang, sinabi nitong ang tanyag at iconic na Mayon Volcano ang inspirasyon para sa nasabing gown.

Si Gray ay Bicolana dahil ang kaniyang ina ay tubong Oas, Albay.

Sinabi ni Tumang na maituturing na modern-day “Daragang Magayon” si Catriona.

Maliban kasi sa taglay nitong ganda ng isang Pinay ay nasa kaniya rin ang talino at mayroon itong burning passion.

TAGS: Catriona Gray, Evening Gown, Mak Tumang, Catriona Gray, Evening Gown, Mak Tumang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.