BREAKING: Catriona Gray kinoronahan bilang Miss Universe 2018

Muling naiuwi ng pambato ng Pilipinas ang Miss Universe crown.

Ito ay makaraang koronahan si Catriona Gray bilang Miss Universe 2018 sa pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Tinalo ni Gray ang 93 pang ibang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa question and answer, tinanong si Gray kung ano ang kaniyang opinyon hinggil sa pagsasa-legal ng marijuana.

Ayon kay Gray, ok lang sa kaniya kung gagamitin ito para ipanggamot.

Gayunman, sinabi ni Gray na hindi siya pabor sa recreational use ng marijuana.

Sa final word naman tinanong ang final three candidates kung ano ang importaneng aral na natutunan nila sa kanilang buhay at kung paano nila ito ia-aaply sa panahon ng pagiging Miss Universe kung sila ang magwawagi.

Binanggit ni Gray ang buhay ng mga residente sa Tondo, Maynila kung saan mahirap ang buhay ng mga tao.

Sa puntong ito, tinanong umano niya ang sarili niya kung paano at saang bahagi siya makatutulong.

Kung magiging Miss Universe siya, sinabi ni Gray na gagamitin niya ang kaniyang boses para makatulong at makapagbigay ng ngiti sa mga bata.

“I work a lot in the slums of Tondo, Manila and the life there is very poor and it’s very sad, and I’ve always thought myself to look for the beauty in it. To look in the beauty of the faces of the children and to be grateful and I will bring this aspect as a Miss Universe to see situation in a silver lining. To assess where I could give something, where I could provide something as a spokesperson and this I think if I could teach also to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster and children will have a smile on their face,” ayon kay Gray.

Si Gray ang ikaapat na nakapag-uwi sa Pilipinas ng nasabing korona.

2nd runner up ang pambato ng Venezuela na si Sthefay Gutierrez at 1st runner up si Tamaryn Green gn South Africa.

Read more...