Hinihinalang tulak ng ilegal na droga patay sa buy-bust sa Laguna

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2018 - 10:04 AM

Inquirer file photo

Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation na ikinasa ng mga pulis sa Biñan, Laguna.

Kinilala ni Laguna police director Sr. Supt. Eleazar Matta ang nasawing suspek na si Adan Abarkis.

Ayon kay Matta, si Abarkis ay kasama sa mga binabantayang drug personalities sa lugar.

Isinagawa ang operasyon sa Barangay Canlalay.

Nang magkaabutan na ng ilegal na droga ay bumunot ng baril si Abarkis at saka pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang mga otoridad na agad nitong ikinasawi.

Nakuha sa suspek ang .38 caliber na baril at apat na sachet ng hinihinalang shabu.

TAGS: laguna, Radyo Inquirer, laguna, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.