Lalaki na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng baril patay sa engkwentro sa Malabon

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2018 - 09:35 AM

Police banner

Patay ang isang lalaking hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng baril makaraang maka-engwentro ang mga pulis sa Malabon City.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek na si Bernard Bautista, 59 anyos na sangkot din sa pagbebenta ng hindi lisensyadong armas.

Nakatunog umano ang suspek na pulis ang katransaksyon kaya nagpaputok ito na baril.

Dahilan para gumanti naman ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng suspek.

Nakuha sa lugar ang isang 38 revolver na baril na ginamit ng suspek, dalawang bala at tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

TAGS: Malabon, metro, Radyo Inquirer, Malabon, metro, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.