Heneral na lumaban sa ISIS patay matapos mabaril ang sarili habang naglilinis ng baril

Isang Heneral na lumaban sa mga rebelde sa Syria at Iraq ang aksidenteng nabaril ang sarili sa Iran.

Naglilinis umano ng baril si Gen. Ghodratollah Mansouri nang mabaril niya ang kaniyang sarili sa ulo.

Sa ulat na naka-post sa website ng Revolutionary Guard ng Iran, nakasaad na si Mansouri ay lumaban sa Iran-Iraq war noong 1980s.

Simula noong 2014 si Mansouri ay naging regional commander ng ground forces sa northeastern city ng Mashhad.

 

Read more...