Activation ng 11th infantry division sa Jolo pangungunahan ni Pangulong Duterte

By Chona Yu December 17, 2018 - 07:57 AM

Matapos magpalabas ng Memorandum Order 32 na nag-uuto ng dagdag-pwersa ng mga sundalo sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental, and the Bicol region, biyaheng Jolo, Sulu ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para pangunahan ang activation ng 11th infantry division.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, 2:30 ng hapon ay magtutungo ang pangulo sa Jolo.

Ang isang division ay binubuo ng 400 hanggang 600 sundalo.

Una rito, sinabi ng pangulo na magdadagdag siya ng pwersa sa Jolo para tugunan ang nagaganap na karahasan.

Bukod sa Jolo nagdagdag na rin ng mga sundalo ang pangulo sa Negros, Bicol at Samar para tugunan naman ang lawlessness element.

Pagkatapos sa Jolo lilipad naman ang pangulo sa General Santos City para dumalo sa pagdiriwang ng ika-40 kaarawan ni Senator Manny Pacquiao.

TAGS: Jolo Sulu, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Jolo Sulu, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.