Mga kumpanya ng langis may rollback simula bukas

By Rhommel Balasbas December 17, 2018 - 04:40 AM

File Photo

Nag-anunsyo na ang kumpanyang Shell ng kanilang magiging rollback sa oil products ngayong linggo.

Sa isang advisory sinabi ng Shell na may bawas na P0.10 sa kada litro ng gasolina; P0.25 sa kada litro ng diesel; habang P0.25 din sa kada litro ng gaas.

Epektibo ang rollback ng major oil player bukas, alas-6 ng umaga.

Mas maliit ang rollback ng Shell kumpara sa Phoenix Petroleum, Seaoil at Petro Gazz.

Ang naturang mga kumpanya ay may bawas na P0.15 sa kada litro ng gasolina; P0.30 sa kada litro ng diesel; habang P0.30 din sa kada litro ng kerosene o gaas.

Epektibo ang rollback ng Petro Gazz bukas, alas-6:00 din ng umaga habang ang Phoenix Petroleum at Seaoil ay buena manong nagpatupad ng bawas-presyo noon pang umaga ng Sabado.

Ang tapyas sa presyo ay dahil sa pagmura ng imported na langis sa pandaigdigang merkado.

TAGS: oil price rollback, Petro Gazz, Phoenix petroleum, Seaoil, Shell Philippines, oil price rollback, Petro Gazz, Phoenix petroleum, Seaoil, Shell Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.