535 na namamalimos nasagip ng pulisya sa pagsisimula ng Christmas season
Umabot sa 535 mga street beggars ang nasagip ng pulisya sa iba’t ibang operasyon na isinagawa sa Metro Manila sa loob ng limang araw.
Ayon kay National Capital Region Chief Dir. Guillermo Eleazar, ang rescue operations ay isinagawa mula December 11 hanggang umaga kahapon, December 16.
Sinabi ni Eleazar na ang mga nasagip na indibidawal na karamihan ay mga katutubo ay dinala na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Matatandaang nagbabala na ang gobyerno sa pamimigay ng limos sa mga katutubo na dumadagsa sa Metro Manila lalo na tuwing Kapaskuhan.
Samantala, sinabi ni Eleazar na hindi lamang gagawin ang mga operasyon para masagip ang mga namamalimos ngayong holiday season kundi sa buong taon.
Nanawagan naman si Eleazar sa publiko na huwag magpalimos.
Anya, kung walang magpapalimos ay hindi mapipilitan ang mga katutubo na manatili sa Metro Manila at hindi magiging dahilan pa upang mapahamak ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.