2 simbahan sa bansa idineklara ng Vatican bilang minor basilicas
Iginawad ng Vatican ang minor basilica status sa dalawang Simbahan sa bansa.
Kinumpirma ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na inaprubahan ng ‘Congregation for Divine Worship and the Discipline’ ng Vatican ang kanilang aplikasyon para gawing minor basilica ang National Shrine of Our Lady of Mount Carmel sa New Manila, Quezon City.
Ang titulo na minor basilica ng isang simbahan ay isang pribilehiyo na ibinibigay mismo ng Santo Papa.
Bukod sa dambana ng Our Lady of Mount Carmel sa Quezon City, aprubado na rin ang petisyon ng Diocese of Laoag para gawin ding minor basilica ang ang St. John the Baptist Parish Church o Shrine of La Virgen de Milagrosa de Badoc sa Ilocos Norte.
Kinumpirma na ito ni Laoag Bishop Renato Mayugba sa pamamagitan ng kanyang circular letter kahapon, December 16 para sa kaparian, mga religious at layko ng diyosesis.
Dahil dito, umabot na sa 15 ang basilica minore sa bansa kung saan ang ilan sa mga pinakatanyag ay ang Minor Basilica of the Black Nazarene o ang Quiapo Church, at Minor Basilica of Santo Niño de Cebu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.