4 sugatan sa pagtagilid ng military truck sa Zamboanga Sibugay

Sugatan ang apat na lalaki makaraang tumagilid ang sinasakyang military truck sa isang national highway sa Ipil, Zamboanga Sibugay, Linggo ng hapon.

Ayon sa pulisya, minamaneho ni Staff Sgt. Ralph Husain ang truck nang mag-overtake ang isang van sa bahagi ng Barangay Makilas.

Dahil dito, agad na nagpreno si Husain upang umiwas sa posibleng banggaan.

Gayunman, nagresulta ito sa pagtagilid ng truck at nadaganan pa ang isang motor na nakaparada lamang sa tabi ng kalsada.

Nagtamo ng sugat si Husain, sakay na sina Private First Class James Cabarles, Private First Class Lonie Magarao at ang may-ari ng motor na si Cristito Mariño Segovia.

Sa ngayon ay ginagamot ang mga biktima sa mga tinamong sugat.

Read more...