Catriona Gray, humiling ng dasal sa mga Filipino para sa kanyang laban sa Miss U

By Rhommel Balasbas December 17, 2018 - 12:07 AM

Isang araw bago malaman kung sino ang bagong Miss Universe, humiling ng dasal ang pambato ng bansa na si Catriona Gray sa Sambayanang Filipino.

Sa kanyang post sa Instagram, hinimok ni Gray ang mga kababayan na ipanalangin ang kanyang laban.

 

View this post on Instagram

 

Next time the sun rises, the Universe will be upon us. 💫😍 Less than 24 hours to go to @missuniverse! Keep sending me prayers mga kababayan! 🙏🇵🇭 @jericksanchez @justine.aliman19 @bragaisjojo 💛

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray) on Dec 15, 2018 at 5:53pm PST

Gumawa ng ingay ang beauty queen sa nagdaang preliminary competition kung saan nag-trending worldwide ang kanyang ‘lava walk’ at ‘slow-mo turn’.

Kagabi, umabot na rin sa 1 milyon ang followers ni Gray sa Instagram na patunay ng pagdami ng kanyang fans hindi lamang sa Pilipinas kundi sa abroad.

Sa isa pang IG post, ipinahayag ni Gray ang walang sawang suporta at lakas na ibinigay sa kanya ng buong Pilipinas na kanya anyang pinagkukunan ng inspirasyon.

Wala anya siyang gusto kung hindi makapag-uwi ng karangalan sa bansa bilang kanyang pinakamagandang regalo ngayong Kapaskuhan.

 

View this post on Instagram

 

Philippines, this is it. 💫 What an amazing journey this has been – from day one back in January 2018 of announcing candidacy @bbpilipinasofficial to today. 🙏 Philippines, you have endlessly inspired me, given me strength and support. I want nothing more than to bring pride to you and give my all to give the best Christmas gift ever to my country. 🇵🇭💛 Mahal kita, Philippines. Para sayo ‘to. Stand by me prayer warriors, laban tayo. 🙏 Photography @bjpascual Styling @eldzsmejia Makeup @jellyeugenio Hair @hairbybrentsales

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray) on Dec 16, 2018 at 4:56am PST

TAGS: Catriona Gray, Miss Universe 2018, philippines, Radyo Inquirer, Catriona Gray, Miss Universe 2018, philippines, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.