Gusali malapit sa NAIA Terminal 1 flyover, nasunog

Nasunog ang isang commercial-residential building sa Ninoy Aquino Avenue sa Pasay City, Linggo ng umaga.

Batay sa ulat, ang naturang gusali ay malapit sa 4th street sa gilid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 flyover.

Umabot pa sa ikatlong alarma ang sunog sa gusali.

Tuluyan naman itong naapula pasado 10:00 ng umaga.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.

Read more...