Bilis ng takdo ng mga sasakyan sa EDSA ngayong holiday rush, aabot sa 10 hanggang 20 kph – Nebrija

File Photo

Muling nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa dapat asahang daloy ng trapiko ngayong Christmas season.

Ayon kay MMDA Edsa Traffic Manager Bong Nebrija, asahan na magiging 10 hanggang 20 kilometers per hour lang ang bilis ng takbo ng mga sasakyan ngayong papalapit na Pasko.

Mas malaki aniya ang tsansa nito tuwing weekdays lalo na tuwing Biyernes.

Paliwanag ni Nebrija, ito ay bunsod ng papalapit na ang Kapaskuhan at paiba-ibang kondisyon ng panahon sa Metro Manila.

Marami aniya ang naghahabol sa kabi-kabilang Christmas parties at events.

Marami rin aniya ang mga kababayang nakatira sa probinsya na namamasyal sa Metro Manila.

Gayunman, tiniyak ni Nebrija na patuloy ang pagtutok ng mga traffic enforcer para bantayan ang traffic situation sa mga kalsada.

Kasunod nito, pinaalalahanan din ni Nebrija ang mga motorista na maging disiplinado pagdating sa mga batas-trapiko.

Read more...