Poder, hindi dapat gamitin sa pambubully – Cardinal Tagle

By Ricky Brozas December 16, 2018 - 02:29 PM

Tila pinatamaan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang homily sa unanag araw ng Simbang Gabi sa Manila Cathedral.

Sabi ni Tagle, hindi dapat gamitin ng mga makapangyarihang tao ang posisyon nito para i-bully ang iba.

Iginiit ng arsobispo na ang kapangyarihan ay hindi dapat ikinakasangkapan para bastusin at gipitin ang kapwa.

Bagaman walang binanggit na indibidwal si Tagle sa kanyang mensahe, sinabi nito na iyon ay base sa payo ni San Juan Bautista sa pagkamit sa tunay na kasiyahan.

Matatandaang makailang ulit nang nakatanggap ng batikos at tira ang mga pari at obispo mula kay Duterte matapos batikusin naman ng taong simbahan ang kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyon at ang mga polisiya nito kontra kriminalidad.

TAGS: Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, manila cathedral, Simbang Gabi 2018, Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, manila cathedral, Simbang Gabi 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.