2 patay, 1 sugatan sa banggaan sa Quezon

Inquirer file photo

Patay ang dalawang motorcycle rider habang isa naman ang sugatan sa naganap na aksidente sa Lucena, Quezon Sabado ng gabi.

Batay sa ulat, sinabi ni Lucena police chief Supt. Reydante Ariza na nabangga ng Mitsubishi Montero ang motorsiklo na may sakay na tatlong tao.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng Barangay Ibabang Talim dakong 8:30 ng gabi.

Mag-overtake sana ang drayber ng Montero na si Felino Vendiola nang makasalubong ang motorsiklong dala ni Merlito Cabral, 39-anyos.

Itinakbo pa si Cabral at ang isang kasama na si Ernesto Vinta Jr. sa ospital ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Samantala, nagtamo naman ang injuries ang isa pang sakay ng motorsiklo na si Milbert Obien at kasalukuyang ginagamot sa Lucena United Hospital.

Read more...