Albayalde, nilinaw ang pagpapaigting ng seguridad ng PNP

By Angellic Jordan December 16, 2018 - 01:06 PM

Inquirer File Photo

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang ipinatupad na mahigpit na seguridad sa buong bansa.

Ayon kay Albayalde, ito ay para lamang maiwasan ang anumang untoward incident sa kasagsagan ng Simbang Gabi.

Sa ngayon, sinabi ng PNP chief na wala silang namomonitor na anumang banta sa seguridad ngayong Christmas season.

Dagdag pa ng opisyal, hindi maaaring magpakampante ang pulisya lalo na sa posibleng banta ng mga makakaliwang grupo at terorismo.

Ipinag-utos ni Albayalde ang pinaigting na seguridad sa pamamagitan ng pagdadagdag ng pulis, mobile patrol units at police assistance desks sa mga simbahan.

TAGS: PNP, Simbang Gabi 2018, PNP, Simbang Gabi 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.