“Bonfire of Champions” ng Ateneo, dinagsa

 

Marami ang dumagsa sa “Bonfire of Champions” ng Ateneo de Manila University o ADMU kagabi (December 15).

Ang bonfire celebration ay alay sa kanilang student athletes, gaya ng UAAP men’s basketball back-to-back champion na Ateneo Blue Eagles.

Matatandaan na tinalo ng Blue Eagles ang UP Fighting Maroons sa “Battle of Katipunan” o Game 1 at 2 ng men’s basketball tournament para sa UAAP season 81.

Nanguna sa pa-bonfire ang mga miyembro ng Blue Eagles gaya nina Finals MVP Thirdy Ravena, Anton Asistio, at iba pa.

Dumalo rin sa pa-bonfire ang mga dati at kasalukuyang estudyante ng ADMU, na pawang masasaya sa dalawang taong pagiging hari ng Blue Eagles.

Bukod naman sa bonfire, nagkaroon din ng fireworks display.

 

Read more...