6 patay sa masaker sa Cagayan Province

By Isa Avendaño-Umali December 16, 2018 - 12:41 AM

 

Patay ang anim na miyembro ng isang pamilya makaraang mamasaker sa liblib na lugar ng bayan ng Gonzaga sa Cagayan Province.

Nakaligtas naman ang isang tatlong taong batang lalaki, pero inoobserbahan pa rin sa ospital.

Ayon kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, naganap ang krimen sa Sitio San Francisco, Barangay Ipil kahapon (December 15).

Ang mga biktima ay kinilalang sina Dizon Oandasan,42-anyos; ang misis nitong si Sany Oandasan, 47-anyos, at kanilang mga anak na sina Wilson 13-anyos; Karen, 12-anyos; Dizon Jr., 5-anyos, at kaanak nilang si Juanito Soliva, 55-anyos

Sa imbestigasyon ng mga pulis, pinasok ng suspek ang bahay ng pamilya at pinagtataga ang mga ito.

Nakatakbo ang ilang biktima sa labas ng kanilang bahay subalit sinundan pa rin ng suspek at isa-isang pinagtataga.

Alitan umano sa lupa ang isa sa mga motibo sa karumal-dumal na krimen.

 

TAGS: Cagayan massacre, Cagayan massacre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.