Prada, nag-sorry matapos akusahan ng racism
Humingi na ng paumanhin ang sikat na luxury brand na Prada kasunod ng mga batikos ukol sa mga produkto nito na nagpapakita ng umano’y “blackface” na imahe.
Nauna nang naging viral ang mga litrato ng mga produkto matapos i-post ni Chinyere Ezie.
Aniya, ang nakita niyang caricature na naka-display sa Prada store ay “racist and denigrating.”
Ang mga naturang item, na bahagi ng line of goods na “Pradamalia,” ay pinull-out na rin mula sa New York store.
Sa isang statement, sinabi ng Prada na ang Pradamalia ay “fantasy charms” na walang intensyon na magkaroon ng anumang “reference” sa real world at lalong hindi blackface.
Wala rin daw intensyon ang Prada na maka-offend ng sinuman at sa katunayan ay kinokondena nila ang lahat ng uri ng racism at racist imagery.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.