NCRPO nagdagdag ng beat patrol ngayong panahon ng kapaskuhan
Aabot sa 8,000 mga pulis ang regular na magsasagawa ng pagpa-patrol sa mga lansangan ng Metro Manila ngayong panahon ng kapaskuhan.
Sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Dir. Guillermo Eleazar na kabilang rin sa kanilang mga babantayan ay ang mga shopping malls na ngayon ay dinadagsa na ng mga mamimili.
Sa pagsisimula ng Simbang Gabi, sinabi ni Eleazar na idaragdag nila sa kanilang mga tututukan ang mga simbahan.
Pinayuhan rin ng opisyal ang publiko na mas maging mapagmatyag dahil abala rin ang mga kriminal sa ganitong mga panahon.
Para mas mabilis ang responde sa mga emergency cases, sinabi ni Eleazar na naka-posisyon na sa ilang mga strategic locations ang kanilang mga tauhan.
Bago pa man ang panahon ng kapaskuhan ay naging regular na rin ang pulong ng mga NCRPO officials sa ilang mga Barangay sa Metro Manila dahil mahalaga ang kanilang tulong sa pagpapanatili ng kaayusan ayon pa sa pinuno ng NCRPO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.