Duterte naki-enjoy sa Christmas party ng kanyang gabinete

By Len Montaño December 15, 2018 - 04:27 PM

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Christmas Party ng mga miyembro ng gabinete.

Biyernes ng gabi nang idinaos ang dekada sitenta na tema ng Christmas Party ng gabinete kasama ang Pangulo.

Ibinihagi ni Tourism Sec, Bernadette Romulo-Puyat ang ilang larawan ng kanilang party.

Sa isang larawan ay sinabi ni Puyat na siya lang naka 70’s theme na damit.

Sa larawan naman na kasama sina DENR Sec. Roy Cimatu at DILG Sec. Eduardo Año ay nagbiro si Puyat na hindi nakuha ng dalawang kalihim ang memo ukol sa attire para sa party.

Ang mga gabinete ay sumayaw sa saliw ng 70’s hit song na “September” ng grupong Earth, Wind and Fire.

May larawan naman ng Pangulo na nakahawak ito sa kanyang ulo kaya biro ni Puyat, mukhang sumakit ang ulo ng kanilang boss.

Umaasa naman si Puyat na sana raw ay may trabaho pa siya matapos ang performance sa naturang Christmas Party.

TAGS: Bernadette Romulo-Puyat, Christmas party, duterte, Malacañang, Bernadette Romulo-Puyat, Christmas party, duterte, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.