Babaeng pulis huli sa pangingikil sa illegal recruiter

By Jimmy Tamayo December 15, 2018 - 02:57 PM

Naaresto ang isang babaeng pulis sa isang entrapment operation dahil sa kasong extortion.

Ito ay makaraang manghuli ang nasabing pulis nang isa ring babae dahil naman sa kasong illegal recruitment at estafa.

Tinukoy ang suspek na si SPO1 May Ann Malcontento na naka-assign sa Anti-Transnational Crime Unit ng Philippine National Police na huling-huling tumatanggap ng mamahaling relo, bag at pera mula sa isang Sonia Gaba.

Huli ang pulis sa aktong tumatanggap ng isang bag na nagkakahalaga ng P34,000, isang relo na nagkakahalaga ngP3,000 at ang P50,000 na marked money.

Sa reklamo ni Gaba hiningan umano siya ni Malcontento ng nasabing mga suhol para hindi ito arestuhin.

Ang suspek ay hawak na ngayon ng PNP-Counter Intelligence Task Force at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

TAGS: counter-intelligence, PNP, transnational crime unit, counter-intelligence, PNP, transnational crime unit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.