Publiko binalaan ng FDA laban sa mga hindi nasuring cereal products

By Den Macaranas December 15, 2018 - 10:07 AM

Nagbabala sa publiko ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa pagkalat ng mga hindi rehistradong cereal products ngayong panahon ng kapaskuhan.

Kabilang sa mga brand na hindi dumaan sa tamang pagsusuri ng FDA ay ang General Mills kabilang ang Cocoa Puffs Naturally Flavored Frosted Corn Puffs, Golden Grahams Cereal, at Chocolate Flavored Whole Grain Oat Cereal.

Nilinaw ng FDA na delikado ang pagkain sa nasabing mga produkto dahil hindi pa ito dumadaan sa kanilang pagsusuri pero naipakalat na sa merkado.

 

Hinikayat rin nila ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para matunton ang mga tindahang nagbebenta ng nasabing mga uri ng cereals.

Nauna dito ay nakatutok rin ang FDA sa ilang brand ng Lambanog makaraan lumobo ang bilang ng mga nalason dito sa nakalipas na ilang linggo.

TAGS: cereals, FDA, registered, cereals, FDA, registered

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.