Balangiga Bells, nakauwi na sa sariling bayan
Matapos ang 117 taon, nakauwi na ang Balangiga Bells sa bayan ng Balangiga sa Eastern Samar.
Pasado alas-kwatro ng hapon ng Biyernes dumating sa bayan ang mga makasaysayang kampana.
Sa video na ibinahagi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, makikita ang pagdating ng truck na lulan ang mga kampana papasok ng gym malapit sa St. Lawrence Deacon and Maytyr Parish Church.
Ang naturang parokya ang tahanan ng Balangiga Bells.
Sinalubong ng hiyawan at palakpak ang pagbabalik ng mga kampana.
Ngayong araw isasagawa ang ceremonial turnover ng Balangiga Bells sa Diocese of Borongan na pamumunuan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.