San Juan Police, naghigpit ng seguridad para sa Simbang Gabi
Naghigpit ng seguridad ang San Juan City Police sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga pulis malapit sa 5 simbahan bago ang Simbang Gabi na tatagal ng 9 araw.
Ayon kay San Juan City Police chief Supt. Dindo Regis Reyes, layon ng deployment ng kanilang mga tauhan na matiyak ang seguridad ng mga magsisimba.
Babantayan ng mga pulis ang mga magnanakaw na magsasamantala sa maraming tao sa mga simbahan para sa tradisyunal na Simbang Gabi.
Magkakaroon din ng random checkpoints sa mga kalsada malapit sa mga simbahan simula sa Sabado December 15.
Target ng pulisya sa San Juan ang “zero crime” alinsunod sa utos ni Eastern Police District Director (EPD) Chief Police Supt. Bernabe Balba.
Pinayuhan naman ang publiko na maging mapagmatyag lalo na’t dumarami ang krimen ngayong Pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.