Traffic constable arestado sa pangingikil sa Pasig

By Len Montaño December 14, 2018 - 08:09 PM

Arestado ang isang traffic constable ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa robbery-extortion sa Pasig City.

Ayon sa Eastern Police District (EPD), naaresto si MMDA Traffic Constable II Diosdado Dela Cruz sa Marcos Highway.

Nabatid na hinuli ni Dela Cruz ang truck driver na si Francis Leo Lucero dahil kolorum umano ang minamaneho nito.

Nanghingi ang MMDA Traffic Constable ng P20,000 sa biktima na naibaba kalaunan sa P18,000 para hindi umano ma-impound ang truck nito.

Matapos mabigay ng bitima ang pera sa suspek ay humingi ito ng tulong sa isang pulis mula sa Quezon City Police District (QCPD) na naka-standby sa Marcos Highway.

Nahuli si Dela Cruz pero P9,000 na lang ang nakuha sa kanya dahil nasa kasamahan na umano niya ang kabuuan ng pera.

Nakakulong na ngayon sa Pasig Police Station ang MMDA traffic constable.

TAGS: 000, arestado, driver, ma-impound ang truck, MMDA Traffic Constable, P18, pangingikil, Pasig Police Station, 000, arestado, driver, ma-impound ang truck, MMDA Traffic Constable, P18, pangingikil, Pasig Police Station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.