Nagpahayag ng pagkadismaya ang Malakanyang sa kabiguan ng Kongreso na maipasa ang panukalang P3.7 trillion national budget para sa 2019 bago natapos ang kasalukuyang taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isinumite ng Executive branch ang 2019 budget sa unang araw pa lamang kung kailan mayroon silang 30 araw para magsumite ng panukalang pambansang pondo.
Pahayag ito ni Panelo kasabay ng adjournment o pagtatapos ng sesyon ng Senado araw ng Huwebes nang hindi naaprubahan ang 2019 budget.
Sa January 14, 2019 na ang balik sesyon ng Senado at Kamara.
Una rito ay nahuli ang House of Representatives sa pag-transmit ng 2019 General Appropriations Bill (GAB).
Ang Senado naman, liban sa malalaking ahensya gaya ng Department of Tourism (DOT) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay halos nakumpleto na ang pagtalakay sa pambansang pondo.
Kinuwestyon ng mga Senador ang umanoy “insertion” na P75 billion sa DPWH.
Dahil dito, ang operasyon ng gobyerno sa unang bahagi ng 2019 at batay pa rin sa 2018 budget.
Umaasa si Panelo na hindi na ito mauulit dahil maraming serbisyo sa gobyerno ang maaapektuhan.