Hindi na dadalo sa G20 Summit na gaganapin sa Turkey sa Lunes, November 16 si French President Francois Hollande.
Si Hollande ay kakatawanin sa pulong ng mga makapangyarihang bansa nina Foreign Minister Laurent Fabius at Finance Minister Mischel Sepin.
Sa kanyang pagharap sa emergency broadcast kanina, sinabi ni Holllande na prayoridad ng kanyang administrasyon sa kasalukuyan na papanagutin ang mga taong nasa likod ng terror attack sa Paris na ikinamatay ng halos ay 160 katao at ikinasugat ng maraming iba.
Sinabi ni Hollande na ang naganap na pagsalakay sa Paris ang siyang pinakamadugo sa kanilang kasaysayan mula noong World War 2.
Kasalukuyang nasa ilalim ng State of Emergency ang buong France habang patuloy naman ang pagkondena ng international community sa nasabing pagsalakay.
Patuloy din ang pagtanggap ng pakikiramay ng French government mula sa mga world leaders ganun din mula sa iba’t-ibang mga international organizations tulad ng United Nations.
Sa advisory naman ng Department of Foreign Affairs, kanilang sinabi na wala silang natatanggap na report na may nadamay na Pinoy sa naganap na karahasan sa Paris.