Pangulong Duterte, nagpakumbaba sa hindi pag-angkin ng kredito sa pagbabalik ng Balangiga Bells

By Len Montaño December 14, 2018 - 06:46 PM

Inquirer File Photo

Nagpakita si Pangulong Rodrigo Duterte ng “humility” o pagpapakumbaba sa hindi nito pag-angkin sa kredito sa pagkabalik ng Balingiga Bells sa Pilipinas.

Ayon kay Pesidential Spokesperson Salvador Panelo, patunay ng kababaan ng loob ng Pangulo ang hindi nito pagkuha ng credit sa matagumpay na pagbabalik bansa ng makasaysayang mga kampana.

Nagpakita rin anya ng Pangulo ng sinseridad sa pagsusulong nito ng soberenya sa pamamagitan ng paggamit ng diplomasya para makuha ang Balangiga Bells.

Pahayag ito ng kalihim matapos sabihin ni Duterte na ang pagbabalik ng mga kampana ay dahil sa pagpipilit ng mga Pilipino at walang sinuman na dapat umangkin sa matagumpay na hakbang.

Una rito ay sinabi ni Panelo na dahil sa political will ng Pangulo kaya naibalik sa bansa ang mga kampana makalipas ang 117 taon.

TAGS: balangiga bells, Pangulong Duterte, balangiga bells, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.