LOOK: Bagong gusali ng MARINA pinasinayaan na

By Dona Dominguez-Cargullo December 14, 2018 - 04:24 PM

MARINA Photo

Pinasinayaan na ang bagong central office building ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng bagong gusali ang MARINA mula nang ito ay maitatag noong June 1974.

Ang gusali ay may lawak na 12,000 square-meter at may taas na 12 palapag ay matatagpuan sa Bonifacio Drive corner 20th Street, Port Area, Manila.

P382 million ang halaga ng itinayong gusali sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng isang party-list group.

Tatlong taon na itinayo ang gusali bago tuluyang napasinayaan.

Sa susunod na taon ay inaasahang uumpisahan na ang partial operations sa gusali at ang full operation naman ay bago magtapos ang 2019.

TAGS: MARINA, Radyo Inquirer, MARINA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.