LOOK: Ilang kalsada sasailalim sa repair ngayong weekend

Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road reblocking at repair nito sa ilang lansangan sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa abiso ng DPWH, alas 11:00 ng gabi ng Biyernes (Dec. 14) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes (Dec. 17) tatagal ang reblocking at repair.

Apektado ang mga sumusunod na kalsada:

QUEZON CITY:
– EDSA northbound lagpas ng Oliveros Street, 2nd lane mula sa sidewalk
– EDSA southbound lagpas ng Scout Albano hanggang bago mag-Network Drive, outer lane
– Northbound ng Batasan Road bago mag-Payatas Road, 2nd lane mula sa gitna

CALOOCAN CITY:
– Soutbound ng Mac Arthur Highway sa pagitan ng Calle Cuatro at Calle Uno

VALENZUELA CITY:
– Mindanao Avenue mula NLEX hanggang P. Dela Cruz

TAGUIG CITY:
– C-5 Road sa tabi ng SM Aura, 2nd lane mula sa gitna

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan na lamang munang dumaan sa nabanggit na mga lugar ngayong weekend para hindi maabala.

Read more...