Publiko pinag-iingat sa pagkain ng mga hindi rehistradong cereals
Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili at pagkain ng cereal products na hindi rehistrado sa ahensya.
Sa inilabas na abiso sa publiko, kabilang sa mga produktong cereals na natuklasang hindi rehistrado ay ang eneral Mills Cocoa Puffs Naturally Flavored Frosted Corn Puffs, General Mills Golden Grahams Cereal, at General Mills Cheerios Chocolate Flavored Whole Grain Oat Cereal.
Sa isinagawang surveillance ng FDA, natuklasan na hindi sumailalim sa registration process ang mga nabanggit na produkto.
Ibig sabihin, walang otorisasyon mula sa FDA para sa pagbebenta ng mga ito.
At dahil hindi dumaan sa pagsusuri ng FDA, hindi tiyak ang kalidad ng mga ito at maaring makasama sa kalusugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.