Ruta at seguridad ng mga APEC delegates plantsado na
Tiniyak ni APEC 2015 National Organizing Committee Director-General Marciano Paynor na plantsado na ang lahat ng mga ruta at protocols para sa 21-economic leaders na mangunguna sa APEC summit.
Kaninang umaga sa isinagawang dry run ay naging maayos ang byahe sa rutang dadaanan ng mga delagado sa nasabing international event.
Handa na rin ang limang arrival points sa Ninoy Aquino International Airport para sa pagdating mga lider na karamihan ay galing pa sa G20 Summit sa bansang Turkey.
Ipinaliwanag ni Paynor na mas magiging busy ang NAIA sa November 17, araw ng Martes kung saan sa panahong ito darating ang karamihan sa mga economic leaders.
Sa November 17 din darating sa bansa si U.S President Barack Obama na nakatakdang salubungin ng mga opisyal sa NAIA Terminal 3.
Ipinaliwanag din ng nasabing opisyal na kasado na ang seguridad sa halos ay 16 hotels sa Metro Manila na tutuluyan ng mga delegado ng APEC 2015.
Dahil sa naganap na terror attack sa Paris, aminado si Paynor na asahan na ang ilang security plan upgrades para na rin matiyak ang kaligtasan hindi lamang ng mga delegado kundi pati na rin ng publiko habang ginaganap ang APEC leaders’ meeting sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.