Inihaing leave of absence ni Faeldon hindi tinanggap ng DOJ

DOJ Photo

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nag-alok si Bureau of Corrections (BuCor) Nicanor Faeldon na mag-leave.

Ito ay matapos ang pagkakaaresto sa kaniyang anak na si Nicanor Jr., sa bahay ng isang drug suspect sa Naga City.

Pero ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra pinayuhan niya si Faeldon na huwag mag-leave.

Sinabihan umano niya ito na hangga’t wala namang risonableng dahilan na magpapatunay ng pagkakasangkot ng kaniyang anak sa ilegal na droga ay walang dahilan para maghain itong leave of absence.

Si Nicanor Jr. ay dinakip sa Naga City Biyernes ng umaga kasama ang apat na iba pa.

Sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) walang nakuhang ilegal na droga kay Niocanor Jr., pero inaresto ito at sasampahan ng kaso dahil sa pagpunta sa bahay na ginagamit na drug den.

Ang sinalakay na bahay ay pag-aari ni Russel Lanuzo Bermudo na tatay ng girlfriend ni Nicanor Jr.

Read more...