Yuletide ceasefire ng NPA, gimik lang ayon sa DILG

“Gimik at propaganda”.

Ito ang pagsasalarawan ni Interior Secretary Eduardo M. Año sa idineklarang tigil-putukan ng Communist Party of the Philippines para sa araw ng Pasko at bagong taon.

Ayon kay Año hindi dapat ginagamit ng mga komunista ang Pasko para magdeklara ng ceasefire dahil ang totoong motibo nila ay magpalakas ng puwersa.

Ito aniya ang dahilan kaya’t hindi niya irerekomenda na suklian ng gobyerno ang deklarasyon ng tigil-putukan ng partido Komunista.

Nagbabala pa si Año na posibleng magsagawa ng pag-atake ang NPA laban sa mga puwersa ng gobyerno bilang bahagi ng pagdiriwan ng kanilang ika-50 anibersaryo.

Aniya walang kalalabasan ang tigil-putukan dahil walang balak ang mga rebelde na tumigil sa pagsasagawa ng opensiba kapag umiiral ang ceasefire.

Sinabi pa nito, kung tunay na sinsero ang CPP-NPA sa kapayapaan dapat ay makipag-usap sila ng maayos kay Pangulong Duterte.

Read more...