Mga Pinoy kasama sa mga pinakakuripot na mamamayan sa Southeast Asia – global survey
Kabilang ang mga Filipino sa mga mamamayan sa Southeast Asia na kuripot sa pagbibigay ng donasyon sa mga kawang-gawa base sa World’s Most Generous Countries Index ng Gallup.
Nakakuha lang ng iskor na 28 ang Pilipinas sa hanay ng 146 bansa at sa Southeast Asia, ang Indonesia ang nasa pinakamataas na posisyon na pang-59.
Sinabi ni Gallup Global Managing Partner Jon Clifton makikita sa survey kung sino sa buong mundo ang pinakamapagbigay sa gitna ng krimen, digmaan at terorismo at kung sino ang nagsumikap na mapagbuti ang mundo.
Lumabas na isang bilyon ang nagsabi na sila ay nag-volunteer para sa mga civic works, samantalang dalawang bilyon naman ang nagbahagi na sila ay nagbigay ng donasyon.
Nalaman din sa survey kung sino ang tumutulong sa mga estranghero o hindi kakilala.
Idinagdag pa ni Clifton na nalaman din na marami sa mga mamamayan ng mayayamang bansa ang mapagbigay, maging sa mga ‘developing countries.’
Nanguna ang Myanmar sa mga mapagbigay sa kawanggawa, samantalang ang Libya naman sa usapin nang pagtulong sa hindi kakilala.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng telephone at face-face interviews sa 1,000 mamamayan sa bawat bansa sa kabuuan ng 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.