PNoy mariing binatikos ang terror attack sa Paris
Mariing kinondena ni Pangulong Noynoy Aquino ang naganap na terror attack sa Paris France na nagresulta sa kamatayan ng halos at dalawang-daang katao at ikinasugat ng maraming iba pa.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng Pangulo ng katuwang ng bansang France ang Pilipinas sa pagdadalamhati sa mga pangyayari kasabay ang pag-asa na mabigyan ng katarungan ang mga namatay.
Binanggit din ng Pangulo na kung dati ay tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda ang France, ngayon naman ay kaakibat ng French government ang ating pamahalaan sa pagbatikos sa naganap na terror attack.
Kasabay nito, inatasan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Department of Foreign Affairs na alamin ang pangangailangan ng mga kababayan natin sa Paris.
Sinabi rin ng Pangulo na kailangang tiyakin ng mga Embassy officials ang kaligtasan ng ating mga kababayan hindi lamang sa France kundi maging sa ibat-ibang panig ng mundo.
Inatasan din ni PNoy ang PNP at Militar na tiyakin ang kaligtasan ng publiko laban sa mga kahalintulad na pag-atake ng mga teroristang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.