BuCor Dir. Faeldon alam na ang balitang nadatnan umano ang kaniyang anak sa bahay ng isang drug suspect sa Naga City

By Dona Dominguez-Cargullo December 14, 2018 - 10:39 AM

Nakarating na kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Nicanor Faeldon ang balita na nadatnan umano ang kaniyang anak na si Nicanor Jr. sa sinalakay na bahay ng isang drug suspect sa Naga City.

Sa pahayag, sinabi ni Faeldon na wala pa siyang nakukuhang opisyal na ulat tungkol dito mula sa mga pulis.

Hindi rin umano siya tinatawagan pa o kinakausap ng kaniyang anak.

Pero ani Faeldon, kung totoo mang natagpuan ang kaniyang anak sa bahay ng isang drug suspect, hahayan niyang gumulong ang imbestigasyon laban dito.

31-anyos na aniya ang kaniyang anak at mayroon na itong sariling buhay.

“I will not lift a finger to influence their on-going investigation and arrest SOP. Let the axe fall where it may. Nicanor Jr. is already 31 years old, and has been on his own as an adult for years,” ayon kay Dir. Faeldon.

Kasabay nito, hinikayat din ni Faeldon ang Naga City police na agad iulat sa media kung may magtatangkang impluwensyahan ang kanilang imbestigasyon sa kaso.

At kung totoo man aniya o mapatutunayang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang kaniyang anak ay siya mismo ang maghaharap dito para mapanagot sa batas.

TAGS: bucor, Nicanor Faeldon, Radyo Inquirer, bucor, Nicanor Faeldon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.