Suspek sa pamamaril sa Christmas Market sa France napatay ng mga otoridad

By Dona Dominguez-Cargullo December 14, 2018 - 08:42 AM

AP photo
Napatay na ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril malapit sa Christmas Market sa Strasbourg City sa France.

Inaunsyo ng mga otoridad ang pagkamatay ng 29-anyos na si Cherif Chekatt matapos ang isinagawa nilang manhunt operation laban dito.

Simula nang isagawa ng suspek ang pamamaril na ikinasawi ng tatlong katao ay pinaghahanap na ito ng mga pulis.

Ang naturang suspek ay dati nang nasangkot sa krimen.

Katunayan sa edad pa lang niyang 10 taon ay may nagawa na itong pagkakasala sa batas.

Labingtatlong gulang siya nang una siyang mahatilan sa isang kasong kriminal.

At base sa rekord, mayroon siyang 27 mga paglabag at nakulong na sa France, Germany, at Switzerland.

TAGS: Christmas Market, France, Radyo Inquirer, Christmas Market, France, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.