No sail zone ipinatutupad na sa Manila Bay

By Den Macaranas November 14, 2015 - 12:48 PM

Philippine-Coast-Guard-0114
Inquirer file photo

Simula kaninang umaga hanggang sa November 23 ay umiral na ang “no sail zone” sa bahagi ng Manila Bay na sakop ng Pasay City at Lungod ng Maynila.

Sinabi ni Philippine Coast Guard Spokesman Lt. Commander Armand Balilo na bahagi ito ang mahigpit na seguridad na ipatutupad kaugnay sa APEC Summit.

Sakop ng no sail zone ang 2-nautical miles radius mula sa dulo ng Pasig River hanggang sa Pasay City.

Nauna dito ay inabisuhan na ng PCG ang mga shipping companies pati na rin ang mga mangingisda na iwasan muna ang bahaging iyon ng Manila Bay.

Bukod sa mga barko ng PCG, naka-antabay na rin sa ilang bahagi ng Manila Bay ang mga barko ng Philippine Navy at mga fast crafts ng PNP-Maritime Group.

Naka-antabay naman sa Manila Yatch Club ang ilang mga tauhan ng Philippine Coast Guard Auxillary Unit kung sakaling kakailanganin din ang ilang pribadong yate kapag nagkaroon ng mga emergency situations.

TAGS: Balilo, PCG, philippine navy, PNP, Balilo, PCG, philippine navy, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.