P25.9M Super Lotto jackpot napanalunan ng nag-iisang mananaya

Isang lotto bettor ang maswerteng nanalo ng P25.9 million na jackpot sa Super Lotto 6/49.

Sa isinagawang draw ng Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO), Huwebes (Dec/ 13) ng gabi, nakuha ng nag-iisang mananaya ang winning number combination na 31-42-22-39-33-36.

Kabuuang P25,984,443 ang napanalunan ng lotto bettor.

Samantala, mayroon namang 10 nanalo ng P70,000 matapos makakuha ng limang kombinasyon.

Wala namang nanalo sa P11.1M na jackpot sa 6/42.

Read more...