Tatlo arestado sa buy-bust sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo December 14, 2018 - 08:18 AM

Naaresto ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Malate, Maynila.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu sa mga suspek at naganap ang transaksyon sa mismong bahay ng isa sa kanila.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Juditha”, 32 anyos na siyang nakatransaksyon poseur buyer sa Maria Orosa Street.

Inaresto din sina alyas “Rocky”, 50 anyosat at alyas “Racelle”, 33 na naabutan sa loob ng bahay.

Nakuha mula sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu.

TAGS: buy bust, manila, Radyo Inquirer, War on drugs, buy bust, manila, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.